sasamahan kita kahit na anong mangyari. Kapatid, kayo na lang ni Xander ang magtago sa itaas ng bahay, kargahin mo si Xander at magtago kayong mabuti," utos nito sa kapatid.
"Sigi kuya ako nang bahala sa pamangkin ko, magtatago kaming mabuti."
Umakyat agad sa itaas ng bahay ang kapatid ni Henry, at mula sa pinagtataguan nila ni Xander ay natatanaw niya ang kapatid
na si Henry at si Aryanna. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga kaluskos sa bubungan at kalabugan sa kung saan-saang bahagi ng bahay. At bigla na lang nagpasukan ang mga nakakatakot at masasamang aswang at manananggal.
"Maawa kayo, ako na lang ang patayin niyo, huwag niyo nang idamay ang asawa ko..." pakiusap ni Aryanna sa