"Bumaba na kayo ng bundok hanggat may oras pa Henry, iwan niyo na ako rito, iligtas mo ang anak natin, pakiusap," pagsusumamo ni Aryanna.
Pero nagmatigas si Henry at nanatili ito sa loob ng kanilang bahay hanggang sumapit ang kahindik-hindik na gabi.
"Wala nang oras Henry hindi na tayo makakalabas ng bahay, nararamdaman kong nandito na silang lahat, nagmamatyag sa labas ng bahay natin."
"Magtago na kayo sa itaas ng bahay may mapagtataguan kayo doon, maiwan na ako rito sa baba, sigi na umakyat na kayo, pakiusap," pagsusumamo ni Althea kay Henry.
"Hindi, hindi kita iiwan, dito lang ako sa baba at