Google Little Super Xander
                                                                                        Back to Homepage                                        
               "Siguro ay mas magandang umpisahan ko ito noong unang magkita ang mama at papa mo, makinig ka lang at huwag ka na munang magsasalita hanggat hindi ako natatapos mag-kwento."
              "Opo tito makikinig lang po ako."
              At nagsimulang isalaysay ni Eric ang mga pangyayari nang unang magkita ng mga magulang ni Xandro.




               Mabuti naman at nakuha ko na ang aking lisensya sa pagpapalipad ng eroplano at ngayon ay pwedeng-pwede na akong  magpalipad ng eroplano nang  mag-isa, sa wakas ay makakalipad na ako sa kahit saan ko gustong puntahan.  Masayang-masaya si Henry  
habang nagpapalipad ng eroplano sa itaas nang naglalakihang bundok.  Nauhaw siya kaya binuksan at ininom niya ang dala niyang C2.  Maya-maya ay may napansin siyang isang napakalaking puting bahay sa isang bundok na punong-punon ng mga puno.  Napakagandang pagmasdan ng bahay na 'to mula sa eroplanong pinapalipad ni Henry, kaya nagpasya siyang paliparin ang kanyang eroplano malapit dito.  Pagkalapit niya ay bigla na lang nagliparan ang napakaraming ibon at hindi na niya malaman ang gagawin dahil nagliparan ito patungo sa harapan ng kanyang eroplano.  Pilit niyang iniwas ang eroplano sa mga ibon subalit naramdaman niyang may kung anong sumabit sa harapan ng eroplano niya at bigla na siyang nahirapang i-control ito. Bumulusok paibaba ang eroplano at nagpaikot-
ikot. Nahulog si Henry mula sa minamanehong eroplano pababa malapit sa napakalaking bahay. Naramdaman ni Henry ang malakas na hangin habang patuloy ang pagbagsak niya sa lupa, takot na takot siya at sa pakiramdam niya ay ito ang kanyang katapusan.  Nasa may himpapawid pa rin siya pero naramdaman niyang tumigil siya sa pagbagsak. Paglingon niya sa may kanan ay nakita niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.  Maya-maya ay napansin niyang may mga puting pakpak ang napakagandang babaeng ito. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng mahabang puting damit hangang talampakan. Kahit takot na takot siya para sa kanyang buhay ay hindi niya mapigilang ngumiti sa animo'y tila anghel na babaeng lumilipad. Nakatitig lang si Henry sa magandang mukha ng 
babae habang hawak-hawak siya nito at lumilipad pababa malapit sa napakalaking bahay.  Nabighani si Henry sa angking kagandahan ng babaeng lumilipad.  Maya-maya ay naramdaman na niyang unti-unting sumasayad ang mga paa niya sa lupa.  Matapos ay dahan-dahan siyang binitawan ng babae, ngumiti ito sa kanya.  Hindi pa rin makapagsalita si Henry, titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng kanyang tagapagligtas.  Napakaganda at napakabango ng babae.  Ano kaya ang gamit nitong perfume, tanong ni Henry sa sarili niya.  Maya-maya ay bahagyang umaangat uli ang babae, umaangat ng umangat at ilang sandali lang ay marahan itong lumipad ng patayo at paatras, umatras pa ito nang umatras at nagitla si Henry sa nakita sa malapit sa harapan niya.  Unti-unting lumipad ang napakagandang 
babae pababa sa isang kalahating putol na katawan.   
Matapos muling magkadugtong ang dalawang putol na bahagi ng katawan ng babae ay unti-unting naglaho ang dalawang pakpak nito. Nanlaki ang mga mata ni Henry nang maunawaang ang babaeng nagligtas sa kanya ay isang manananggal. 
          "Isa kang mananggal!" napasigaw si Henry sa sobrang gulat nito.  Maya-maya ay dahan-dahang lumapit sa kanya ang babae.
          "Huwag kang lumapit sa akin, huwag!" napaatras si Henry nang napaatras at pagkatapos ay biglang kumaripas nang takbo palayo sa napakagandang manananggal.  Tumakbo siya nang tumakbo nang hindi lumilingon, hindi niya alam kung saan siya tutungo.  Malayo-layo na ang 
natatakbo niya gamit ang kanyang Adidas Shoes.  Takot na takot siya sa kanyang nasaksihan. Tumakbo pa siya nang tumakbo hanggang sa dahan-dahan na siyang napagod, natumba at napaluhod.  Sa di-kalayuan ng kinaluluhuran niya ay nakita niya ang umaapoy, nagkalasug-lasog at nagkahiwa-hiwalay na mga bahagi ng kanyang maliit na eroplano.  Hingal na hingal pa rin siya sa kakatakbo kanina habang pinagmamasdan ang natira sa kanyang eroplano.  Maya-maya nang unti-unti nang mawala ang kanyang nararamdang pagod ay napaisip siya ng malalim.  Kung hindi ako iniligtas ng babaeng iyon ay marahil naging katulad na rin ako ng umaapoy at nagkaputol-putol kong eroplano. 
           Baka naman hindi talaga siya masama, baka may dahilan kung baket ako napadpad sa lugar na 'to. Tumayo 
siya at nilingon ang kanyang pinagmulan.  Dapat kong balikan ang babaeng 'yon para man lang mapasalamatan ito sa pagkakaligtas niya sa akin sa tiyak na kapahamakan.  Naglakad siya pabalik, binilisan niya ang paglalakad kahit medyo natatakot pa rin siya sa kung anong pwedeng mangyari sa oras na magkaharap silang muli. Nang malapit na siya sa malaking bahay ay nakita niya ang babae, nakaupo sa harap ng pabilog na mesa at umiiyak habang nakatungo ang ulo nito. Pinagmasdan muna niya ang babae at ang buong kapaligiran tapos ay dahan-dahan niya itong nilapitan.  Napansin agad siya ng babae, pilit nitong itinigil ang kanyang pagtangis at pinagmasdan siyang mabuti, hindi nagsasalita.  Tumayo si Henry sa kabilang bahagi ng bilog na mesa. 
          "Bumalik ka, hindi ka na ba natatakot sa 'kin?" tanong