"Oo naman, talagang hindi bagay," mabilis na sagot ni Henry habang umuupo sa harap ng babae.
            "Hindi naman talaga ako kumakain ng tao, poro prutas lang at mga alaga kong manok at kambing ang kinakain ko araw-araw," paglalahad ng magandang babae.
            "Talaga... kumakain ka ng manok at kambing" tanong ng naka-Jag Jeans na si Henry.
             "Oo, pero bago ko ito kainin ay sinisiguro kong lutong-luto na ang mga ito at masarap ang pagkakatimpla," nag-aalangang biro ng babae habang nakatingin sa mukha ni Henry.
             "Ah... mabuti naman pala kung ganon at ligtas na ako mula sa pagkakahulog at sa pagiging bahagi  ng iyong menu."