"At huwag kang matakot dahil hindi rin napuputol ang katawan ko tuwing kabilugan ng buwan, nangyayari ito kung wala na akong ibang mapagpilian at kung talagang kailangan lang tulad nang kanina, nang makita kitang nalaglag mula sa sinasakyan mong eroplano," paliwanag pa muli nito.
             "Ganon ba, ang ibig mo bang sabihin ay ganyan... ganyan ka na lang kaganda palagi, buo ka at hindi na muling mapuputol sa harapan ko?" nagmamadaling tanong ni Henry.
             "Baket, mahuhulog ka pa bang muli, mula sa iyong eroplano?" sagot agad nito.
              "Ah hindi, last na talaga 'yon, basta pangako mo hindi