"O sigi halika sa loob at ipaghahain kita."
               Sa loob ng napakalaking puting bahay ay kinain ni Henry ang lahat ng masasarap na pagkaing ibinigay sa kanya ni Aryanna. Talagang magaling itong magluto. At matapos ang ilang araw na kwentuhan at tawanan, sina Henry at Aryanna ay naging lalo pang naging malapit at umibig sa isa’t isa. Nagpakasal sila. At makalipas ang sampong buwan ay isinilang ang isang cute, guapong-guapo, at malusog na sanggol na lalake sa mundong ito. At makalipas pa ang isang taon at kalahati ang sanggol na lalake na pinangalanan nina Henry at Aryanna ng Xander ay lalo pang naging cute, guapong-guapo, at malusog na malusog.
"Xander aalis muna ang daddy ha at bababa lang muna ako sa bayan para ibili ka ng Johnson's Baby Oil, Johnson's Baby