"Ibig mong sabihin tayong dalawa lang ang nandito ngayon, ha?"
"Oo," sagot naman agad ni Aryanna.
"Nakakatakot naman..." pabulong na biro ni Henry.”Halika, pasok tayo sa bahay mo," anyaya ni Henry sa may-ari ng malaking puting bahay.
"Baket ano bang gusto mong gawin sa loob ng bahay ko, ha?" nagtatakang tanong ni Aryanna.
.
"Maglalaro tayo, takutan..." biro ni Henry.”Hindi, 'di ba sabi mo nagluluto ka ng manok at kambing, baka pwede mo akong pakainin muna, nagutom at nauhaw kasi ako sa kakatakbo ko kanina," paliwanag pa niya.