Powder, gatas at mga Baby Clothes, gusto mo nang mga 'yon ‘no..." puno ng pagmamahal sa anak na sabi ni Henry.
         "Bumalik ka agad Henry, baka mamaya hanapin ka agad ni Xander alam mo namang hindi mapakali ang anak natin pag hindi ka niya nakikita," paalala ni Aryanna na gumagamit ng Tide tuwing lalabhan niya ang mga damit ni Xander.
          "Baka ang ibig mong sabihin ay ikaw ang hindi mapakali pag nawawala ako nang matagal sa tabi mo, ha," biro ni Henry sa babaeng mahal niya. "Huwag kang mag-alala at babalik agad ako kinahapunan at saka isasama ko rin sa pagbabalik dito ang nakababata kong kapatid na lalake.  Mahilig sa beef steak iyon kaya tiyak magugustuhan din no'n ang sarili mong version ng beef steak, Aryanna."