natatakbo niya gamit ang kanyang Adidas Shoes. Takot na takot siya sa kanyang nasaksihan. Tumakbo pa siya nang tumakbo hanggang sa dahan-dahan na siyang napagod, natumba at napaluhod. Sa di-kalayuan ng kinaluluhuran niya ay nakita niya ang umaapoy, nagkalasug-lasog at nagkahiwa-hiwalay na mga bahagi ng kanyang maliit na eroplano. Hingal na hingal pa rin siya sa kakatakbo kanina habang pinagmamasdan ang natira sa kanyang eroplano. Maya-maya nang unti-unti nang mawala ang kanyang nararamdang pagod ay napaisip siya ng malalim. Kung hindi ako iniligtas ng babaeng iyon ay marahil naging katulad na rin ako ng umaapoy at nagkaputol-putol kong eroplano.
Baka naman hindi talaga siya masama, baka may dahilan kung baket ako napadpad sa lugar na 'to. Tumayo