namatay. Kitang-kita ng kapatid ni Henry ang lahat ng kahindik-hindik na mga pangyayari mula sa kanilang pinagtataguan. Takot na takot siya at hindi malaman kung anong gagawin. Hawak-hawak pa rin niya ang batang si Xander. Napansin niyang umiiyak ito habang pinagmamasdan ang mga nangyari sa kanyang mga magulang. Ilang sandali lang ay napansin ng isang manananggal ang pinagtataguan nina Xander at dali-dali itong lumipad patungo sa kinalalagyan nila.
Habang nakaupo sa sahig ay di-sinasadyang nabitawan ng kapatid ni Henry si Xander sa sobrang takot nito sa papalapit na manananggal.
Patuloy na umiiyak ng tahimik ang batang si Xander habang pinagmamasdan ang papalapit na manananggal,