babae habang hawak-hawak siya nito at lumilipad pababa malapit sa napakalaking bahay. Nabighani si Henry sa angking kagandahan ng babaeng lumilipad. Maya-maya ay naramdaman na niyang unti-unting sumasayad ang mga paa niya sa lupa. Matapos ay dahan-dahan siyang binitawan ng babae, ngumiti ito sa kanya. Hindi pa rin makapagsalita si Henry, titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng kanyang tagapagligtas. Napakaganda at napakabango ng babae. Ano kaya ang gamit nitong perfume, tanong ni Henry sa sarili niya. Maya-maya ay bahagyang umaangat uli ang babae, umaangat ng umangat at ilang sandali lang ay marahan itong lumipad ng patayo at paatras, umatras pa ito nang umatras at nagitla si Henry sa nakita sa malapit sa harapan niya. Unti-unting lumipad ang napakagandang